MRT station sa North Avenue, nilusob ng mga protester
MANILA, Philippines – Nilusob kahapon ng commuter group na Riles Laan sa Sambayanan (RILES Network) ang MRT station sa North Avenue sa Quezon City upang iprotesta ang itinaas na pasahe sa MRT at LRT.
Ayon kay Sammy Malunes, spokesperson ng RILES Network, ginulat ng pamahalaan ang publiko sa ginawang desisyon na maipatupad ang fare increase sa MRT at LRT habang kasagsagan ang tao sa paghahanda sa kapaskuhan. Umaabot sa P1.00 ang taas pasahe sa MRT at LRT.
“The fare hike’s approval comes like a thief in the night, and is just as unwelcome. The announcement was made at a time when Filipinos are busy preparing for Christmas, when it would be difficult to mount big protests which the move deserves and incites” pahayag ni Malunes.
Sa kanilang protesta, inihayag ng mga ito na ang taas pasahe sa MRT at LRT ay pamaskong handog ng Chief Executive o ni PNoy sa naghihirap na taumbayan mula sa mga mapagsamantalang kapitalista.
Kaugnay nito, nanawagan ang naturang grupo sa publiko na makisimpatiya sa kanilang protesta na labanan ang anila ay hindi makatwirang pamasko ng pamahalaan sa mahihirap na mamamayang Pilipino.
- Latest