^

Metro

MCJ inspeksiyunin -- Manila dad

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Inirekomenda ni Manila 4th District Councilor Anton Ca­pis­trano ang pagsasagawa ng inspeksiyon sa Manila City Jail (MCJ) upang matiyak na walang mga kontrabando ang na­­ita­tago sa mga selda.

Ang rekomendasyon ni Capistrano ay bunsod na rin ng  mga natuklasang mamahaling gamit, baril at shabu sa loob ng  New Bilibid Prison noong nakaraang linggo.

Ayon kay Capistrano, ang MCJ ay dapat na magsilbing reha­bilitasyon ng mga nagkasala sa batas at hindi lugar ng pagsasanay para sa iligal na transaksiyon ng mga suspek.

Bilang chairman ng Committee on Public Safety at Peace and Order, sinabi ni Capistrano na kailangan na mamonitor at mabantayan rin ang mga preso mula sa MCJ kaugnay sa posibleng  transaksiyon gamit ang mga cellphones.

Aniya, hindi biro ang nadiskubre sa NBP ni Justice Secretary Leila de Lima na magagarang gamit, pera, baril at shabu na  indikasyon lamang na malawak ang operasyon ng mga sindikato sa loob ng piitan.

Hindi rin umano imposible na mangyari ito sa mga city jail  kung nakagagamit ng CP ang mga preso upang makapagtransaksiyon kasabwat ang ilang  mga jailguard.

Dahil dito, sinabi ni Capistrano na irerekomenda din niya sa  Department of Interior and Local Government (DILG) at sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang pagsasagawa ng sopresang pagsalakay sa MCJ upang on the spot na mahuli ang mga nagsasagawa ng anomaly gayundin ang mga jailguard na  nakikipagsabwatan.

BUREAU OF JAIL MANAGEMENT AND PENOLOGY

CAPISTRANO

DISTRICT COUNCILOR ANTON CA

JUSTICE SECRETARY LEILA

MANILA CITY JAIL

NEW BILIBID PRISON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with