^

Metro

Nguso ng mga baril sa NPD, tatapalan na

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Muling tatapalan ng mga pulis ng Northern Police Dis­trict (NPD) ang nguso ng ka­nilang mga baril ngayong­ Lunes para sa taunang kam­panya laban sa iligal na pag­papaputok ng baril habang papalapit ang Pasko at Bagong Taon.

Base sa memorandum na inilabas ng National Capital Regional Police Office (NCRPO), ipinag-utos ni NPD Director, Chief Supt. Jonathan Miano ang pagkakabit ng masking tape sa nguso ng baril ng lahat ng kanilang mga tauhan. Pipirmahan ng station o unit commander ang nguso ng mga baril upang makatiyak na hindi mapepeke ito ng mga pulis.

Isasagawa ang ceremonial taping of firearms sa tapat ng NPD ngayong Lunes ng umaga habang inatasan ang mga hepe ng mga istasyon at unit ng ulat sa ginawang kaukulang aksyon.

Taunang ginagawa ito upang mamonitor kung sino sa mga pulis ang nagpaputok ng kanilang service firearm ng hindi naman kinakailangan. Sa mga nakalipas na taon, pa­laging itinuturo sa mga pulis ang mga insidente ng “indiscriminate firing” sa selebras­yon ng Bagong Taon.

Samantala, inatasan naman ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga istasyon ng pulisya na maghanda ng ulat ukol sa mga tinamaan ng ligaw na bala sa kani-kanilang mga nasasakupan.

BAGONG TAON

CHIEF SUPT

ISASAGAWA

JONATHAN MIANO

NATIONAL CAPITAL REGIONAL POLICE OFFICE

NORTHERN POLICE DIS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with