Sunog sa QC: 16 bahay naabo
MANILA, Philippines - Isa na namang sunog ang naganap sa lungsod Quezon kung saan 16 na bahay ang naabo at puminsala ng may P500.000 halaga ng ari-arian, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) kahapon.
Ayon kay Superintendent Jesus Fernandez, city fire marshal, nagsimula ang sunog sa bahay ng isang Ismael Bajo na matatagpuan sa Sitio Pingkian, Brgy. Pasong Tamo, ganap na alas-10:55 ng gabi.
Mabilis na kumalat ang apoy hanggang sa tuluyan nang madamay ang kalapit bahay nito.
Umabot naman sa ikalawang alarma ang sunog bago tuluyang naapula ganap na alas-11:35 ng gabi.
Sinasabing nag-ugat ang sunog sa napabayaang gasera na ginamit na ilaw sa nasabing bahay.
Gayunman, inaalam pa ng BFP kung tutuo ang impormasyon habang nagpapatuloy ang pagsisiyasat dito.(Ricky T. Tulipat)
- Latest