^

Metro

24/7 checkpoint inilarga sa MM

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inilarga na ng Philip­pine National Police (PNP) ang pagpapa­tupad ng 24/7 oras ng check­point operations sa Metro Manila upang bigyang proteksyon ang mamamayan partikular na ngayong ‘holiday rush’ kaugnay ng nalalapit na Pasko at Bagong Taon.

Ayon kay Deputy Director General Marcelo Garbo, ang  24 oras na checkpoint sa MM ay isusuperbisa ni  National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Carmelo Valmoria partikular na sa mga istratehikong lugar sa Metro Manila na madalas pangyarihan ng krimen.

Samantalang bukod sa mga motorsiklo na sinasakyan ng mga riding­ in tandem ay isasalang rin sa mahigpit na checkpoint ang mga taxi na bumi­biyahe sa Metro Manila bunga ng mga insidente­ ng pangho­holdap ng mga taxi driver sa kanilang mga pasahero.

Gayundin mahigpit ring iinspeksyunin sa checkpoint ang mga pampasaherong van na bumibiyahe sa iba’t-ibang panig ng Metro Manila na karaniwan ng target ng mga holdaper.

Kabilang rin sa po­kus ng checkpoint ay ang mga van for rent na umano’y ginagamit ng mga kidnappers na bumibiktima ng mga kabataan partikular na ang mga tinedyer at bata.

Samantalang tinagubilinan rin ni Garbo ang mga pulis na magpa­patupad ng checkpoint na maging magalang sa paninita sa mga checkpoint upang hindi ito magdulot ng takot sa mga pasahero.

Idinagdag pa nito na ang mga pulis na magpapatupad ng checkpoint ay dapat na nakasuot ng kumpletong uniporme.

vuukle comment

BAGONG TAON

CHECKPOINT

DEPUTY DIRECTOR GENERAL MARCELO GARBO

DIRECTOR CARMELO VALMORIA

METRO MANILA

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

NATIONAL POLICE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with