Pinakamabigat na daloy ng trapiko sa Biyernes – MMDA
MANILA, Philippines – Mas mahabang pasensiya ang hinihingi ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) mula sa mga commuters sa darating na Biyernes, kung saan inaasahan na mas bibibgat ang daloy ng trapiko dahil sa nalalapit na Pasko.
Sinabi ni MMDA Chair Francis Tolentino ngayong Miyerkules na hindi lamang sa EDSA inaasahang bibigat ang daloy ng trapiko ngunit maging sa mga hindi pangunahing daan ng Metro Manila.
Dahil ito sa inaasahang last minute shopping ng publiko para sa nalalapit na pasko, kung saan hinabaan ng mga shopping malls ang kanilang operasyon hanggang alas-11 ng gabi.
Nagpakalat na ng karagdagang 443 traffic enforces ang MMDA upang maayos ang daloy ng trapiko.
Samantala, ibinasura naman ni Transport Secretary Joseph Emilio Abaya ang kahilingan ni Tolentino na pahabain ang operasyon ng Metro Rail Transit hanggang 11:30.
“We just wanted to help the people who are going home late because of the Christmas rush, but unfortunately they rejected us,” wika ni Tolentino.
- Latest