^

Metro

4 ‘tiktik’ naghahati-hati sa P12.1-M reward

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Instant millionaire ang apat na tipster ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nagbigay daan sa pagkakaaresto ng isang lider ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) at tatlong miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) makaraan silang pagkalooban ng P12.1 M reward sa seremonya sa Camp Aguinaldo kahapon.

Personal namang ipinagkaloob ni AFP Vice Chief of Staff Lt. Gen. John Bonafos ang nasabing cash reward sa naturang mga tipster. Sinabi ni Bonafos na sa pama­magitan ng impormasyon na ipinagkaloob ng na­turang mga tipster ay nasakote ang pinaghahanap ng batas na lider ng NPA at tatlong miyembro ng Abu Sayyaf Group.

Kabilang sa mga nasakote ay si Loida Magpatoc, lider ng NPA na may patong sa ulong P5.6-M.

Si Magpatoc ay nalagay sa talaan ng mga most wanted na kriminal kaugnay ng kasong robbery, double homicide at damage to property.

Samantalang ang mga nasakote namang Abu Sayyaf kidnapper ay nakilala namang sina Basal Talib Sali; may mga alyas na Gonggong Sali at Abu Husni na may P5.3M patong sa ulo. Isa pang nasakoteng Abu Sayyaf ay sina Muktar Ladjaperma at Jailani Basrul na may P600,000 reward kapalit ng kanilang pagkakaaresto.

Nagpapatuloy naman ang pagtugis ng mga awtoridad sa iba pang mga wanted sa batas.

ABU HUSNI

ABU SAYYAF

ABU SAYYAF GROUP

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

BASAL TALIB SALI

CAMP AGUINALDO

GONGGONG SALI

JAILANI BASRUL

JOHN BONAFOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with