^

Metro

Libreng airport shuttle, sinimulan na ng MMDA

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagsimula nang mag­bigay ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kahapon  ng libreng serbisyong shuttle service para sa mga mananakay pa­t­ungong Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminals 2, 3, at  4 (dating  Domestic Airport).

Ito ay bahagi ng programa  ng ahensiya na maibsan ang inaasahang masikip na daloy ng trapiko ngayong buwan ng Kapaskuhan.

Sagot na rin ito ng MMDA  sa maraming reklamong na­tatanggap nila mula  sa mga pasahero na hindi nakaka­abot sa oras ng kanilang flight dahil naiipit sa trapik.

Pinangunahan ni MMDA Chairman Francis Tolentino, ang pagbubukas sa publiko ng libreng shuttle service na magsisimula alas-10:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng madaling araw.

Anim umanong public utility­ buses, kabilang na ang electric buses ang ilalagay sa Southwest Terminal Integra­ted Bus Terminal sa Coastal Mall at sa SM Mall of Asia bilang  pick-up points.

Matutukoy ito sa pamamagitan ng nakapaskil na stickers  na may nakasulat na “MMDA’s Airport Christmas Shuttle”

Paglilinaw ni Tolentino, ito’y libre ngunit sa pasahero o aalis lamang at ang kaila­ngan lamang ay  ipakita ang kanilang airline tickets upang makalibre sa shuttle service.

Partikular umano nilang pinupuntirya ay  ang mga pa­saherong pauwi sa kanilang mga probinsiya para doon ipagdiriwang ang holiday season.

May escort na kasama ito kapag babiyahe upang hindi maipit sa trapiko. Hanggang Disyembre 23 umano magtatapos ang libreng shuttle service.

 

AIRPORT CHRISTMAS SHUTTLE

BUS TERMINAL

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

COASTAL MALL

DOMESTIC AIRPORT

HANGGANG DISYEMBRE

MALL OF ASIA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with