^

Metro

Traffic enforcer, tinangkang sagasaan ng sinitang driver

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kalaboso ang isang tricycle driver matapos na  tangkang sagasaan at saksakin ang isang traffic enforcer na sumita sa kanya  dahil sa paglabag sa batas trapiko sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Nakakulong ngayon sa Caloocan City Police detention cell ang suspek na si Romeo Alvarado, 44,  ng Felix Huertas Sta. Cruz, Manila.

Kinilala naman ang biktimang si  Alexander Mallari, 37, miyembro ng Department of Public Safety and Traffic Manage­ment (DPSTM) ng Caloocan City.

Ayon sa pahayag ni Mallari, naganap ang insidente  alas-9:00 ng umaga sa kahabaan ng A. Mabini St., ng naturang lungsod. Kasalukuyan siyang  nagtatrapik sa naturang lugar, nang mamataan ang suspek na  lumabag sa batas trapiko.

Sinita ng biktima ang suspek at nang parahin ay tinangka umano nitong sagasaan ang enforcer, bago naglabas pa ng ice pick at tangka ring sasaksakin si Mallari  na naging dahilan upang humingi ng tulong sa kanyang mga kasamahan ang huli.

Mabilis namang rumesponde ang mga kasamahan ng biktima dahilan  upang maaresto  ang suspek kung saan nakuha rito ang isang  ice pick saka dinala ito  sa himpilan ng pulisya.

Samantala sa Caloocan pa rin, dinakip din ang isang negosyante matapos murahin ang nagtatrapik na pulis kamakalawa ng gabi.

Nahaharap sa mga kasong unjust vexation, driving under influence in liquor at disobedience of police officer ang suspek na si Alexander Gogna, 59, ng West Triangle Homes, Quezon City.

Sa imbestigasyon ni PO3 Michael Anthony Ramirez, Caloocan City Police, naganap ang insidente alas-8:30 ng gabi sa Sangandaan ng naturang lungsod.
Lasing na nagmamaneho ng kanyang  sasakyan ang suspek at nang ma-trapik sa naturang lungsod  ay huminto sa gitna bago sinigawan at minura si SPO4 Salvador Centeno.

Pasigaw na sinabihan ng suspek si Centeno na “ayusin mo ang trapik dito, kukunan kita ng video dahil hindi mo ginagawa ang trabaho mo, ipapa-media kita, anak ko si Sam YG”.

Humingi  ng tulong si Centeno sa mga nagrorondang mga pulis at kanilang inaresto ang lasing na suspek  hanggang  sa dalhin ito sa presinto at sinampahan ng naturang mga kaso. 

ALEXANDER GOGNA

ALEXANDER MALLARI

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

CENTENO

DEPARTMENT OF PUBLIC SAFETY AND TRAFFIC MANAGE

FELIX HUERTAS STA

MABINI ST.

SUSPEK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with