^

Metro

10-months old baby, nabigti sa duyan

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang 10-buwang gulang na batang lalaki ang nasawi matapos na aksidenteng mabigti sa lubid ng kanyang duyan sa loob ng kanilang bahay sa lungsod Quezon, kamakalawa.

Ayon kay PO3 Marlon dela Vega, imbestigador sa kaso, ang biktima na si Frederick Ballebar ay nagawa pang maitakbo ng kanyang nanay sa ospital, subalit hindi na rin ito umabot pa ng buhay.

Sabi ni Dela Vega, nangyari ang in­sidente sa loob ng bahay ng pamilya Ballebar sa  Robina Road, Brgy. Nagkaisang Nayon, Nova­liches, ganap na alas-5 ng hapon.

Sa imbestigasyon, iniwan ng kanyang nanay na si Josie ang sanggol sa isa pa nitong anak na nakatatanda na si Jennifer para magtrabaho bilang store helper sa kalapit na tindahan.

Habang busy umano si Josie sa pag-aasikaso sa kostumer sa tindahan, dumating ang nakatatandang anak at ipinabatid na tila patay na ang kanyang bunso habang nakabigti sa nylon na panali sa duyan nito.

Agad na umuwi ng bahay si Josie saka itinakbo ang anak sa Novaliches District Hospital, pero idineklara rin itong dead-on-arrival, ganap na alas-5:40 ng gabi.

Hindi naman malinaw kung paano nabigti ng tali ng duyan ang beybi.

Samantala, hindi na pinaimbestigahan ng ina ng nasawi ang kaso ng anak matapos na lumagda ito ng isang waiver na nagsasaad na wala na siyang intensyon na palawigin pa ang kaso.

vuukle comment

AYON

BALLEBAR

BRGY

DELA VEGA

FREDERICK BALLEBAR

HABANG

NAGKAISANG NAYON

NOVALICHES DISTRICT HOSPITAL

ROBINA ROAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with