Gift giving ni Joy B sa QC, umarangkada
MANILA, Philippines - Pinasaya ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte ang mahigit sa 10,000 residente sa lungsod sa isinagawang maagang gift giving project nito sa Amoranto Threater sa lungsod.
Ang pamimigay ng regalo ni Belmonte na sinimulan pa noong December 2 ay tatagal ng halos isang buwan bilang bahagi ng pag-aambag ng kaunting tulong sa mga kapus- palad at pagkilala sa mga natatanging taga-lungsod na nangangalaga sa kaayusan at kalusugan ng mga residente.
Sari-saring mga de latang pagkain, gatas, bigas, noodles at iba pa na nakasilid sa isang bag ang regalo na tinanggap ng mga batang paslit.
Tumanggap din ng regalo ang mga street sweepers, mga barangay tanod, barangay health workers, mga volunteers na round the clock na katulong ng pamahalaang lungsod sa pagtugon sa mga emergency cases at iba pa.
Sinabi ni Belmonte na ang hakbang ay isa lamang ng kanyang paraan ng pasasalamat sa naiambag na tulong ng mga nabanggit para sa pagbibigay ng serbisyo sa mga taga-lungsod.
- Latest