^

Metro

Accounting analyst, sugatan sa holdap

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Muli na namang suma­la­kay ang riding-in-tandem na kriminal sa Caloocan City makaraang isang ac­counting analyst ang pagbabarilin at pagnakawan ng mga una, kamakalawa ng madaling-araw.

Nakaratay ngayon sa Manila Central University Hospital ang biktimang nagtamo ng tama ng bala sa braso at leeg na si Renz Bernal, 26, binata, accounting analyst ng Accenture Inc., at residente ng Rivera St., Sta. Quiteria, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Caloocan Police, dakong alas-2:45 ng madaling-araw nang maganap ang krimen sa may Rivera St., Brgy. 163 Sta. Quiteria.

Papauwi na sa kanyang bahay ang biktima galing sa trabaho nang harangin ng dalawang salarin na magkaangkas sa isang motorsiklo.

Posible umanong puma­lag ang biktima kaya ito pina­putukan ng mga salarin at tinamaan sa braso at leeg.  Tinangay ng mga holdaper ang iPhone 5S ng biktima, at perang nagkakahalaga ng P28,000 na 13th month bonus umano nito sa kanilang kompanya saka mabilis na tumakas.

Mabilis namang sinaklolohan ng mga kagawad ng barangay ang biktima at isinugod sa pagamutan habang bigo ang pulisya na masakote ang mga salarin.

 

ACCENTURE INC

BRGY

CALOOCAN CITY

CALOOCAN POLICE

MABILIS

MANILA CENTRAL UNIVERSITY HOSPITAL

QUITERIA

RENZ BERNAL

RIVERA ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with