^

Metro

Pantalan sa bansa, balik operasyon na

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Balik operasyon na ang  ilang mga panguna­hing pantalan. Ito ang sinabi ni Philippine Coast Guard (PCG) Spokesperson Commander Arman Balilio matapos na pansamantalang isara ang operasyon ng mga pangunahing pantalan dahil sa bagyong Ruby. Kabilang aniya rito ang pantalan sa Cebu, Tag­bilaran, Iloilo, Duma­guete, Bacolod, Roxas, Maasin, Cagayan de Oro, Surigao, Iligan, Osamis, Dapitan, Butuan at Bicol.

Bumaba na rin ang bilang ng mga pasaherong stranded sa mga pantalan dahil sa pananalasa ng bagyo sa bansa. Napag-alaman na nasa 1,124 na  lamang ang mga pasaherong  stranded. Ito ay sa Manila North Harbor na may 340 pasahero, 665 naman sa Batangas habang nasa 119 sa Caticlan. Kung patuloy ang pag­ganda ng panahon, inaasahan namang mababawasan pa ang bilang ng stranded.

BACOLOD

BALIK

BATANGAS

BICOL

BUMABA

MANILA NORTH HARBOR

PHILIPPINE COAST GUARD

SPOKESPERSON COMMANDER ARMAN BALILIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with