^

Metro

1,000 pamilya inilikas sa Parañaque

Lordeth Bonilla at Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasa 1,000 pamilya ang inilikas sa lungsod ng Parañaque dahil sa pagragasa ng bagyong Ruby sa Metro Manila.

Ayon kay Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, nasa 300 pamilya na karamihan dito ay pawang mga kababaihan at mga bata na nakatira sa gilid ng Parañaque River sa Tabon at Rodriguez area, Brgy. Lahuerta ang kanilang inilikas.

Habang ang  609 naman ay  nasa evacuation center ng Santo Niño Elementary  at ang mga ito ay galing sa limang lugar ng  Brgy. Santo Niño, na pawang nakatira sa tabing ilog.

Katuwang ng pamahala­ang lungsod ng Parañaque ang  Department of Social Welfare and Development (DSWD) na magbibigay ayuda sa mga pamilyang maaapektuhan ng bagyong Ruby at namahagi sa mga ito ng mga relief goods.

Samantala, nagpalabas kahapon ng direktiba si Taguig City Mayor Lani Cayetano, na  hangggang ngayong araw na ito ay suspendido ang klase sa lahat ng antas, pribado at pampublikong paaralan.

Mariing tinututukan ng pamahalaang lungsod ng Taguig ang mga lugar na posib­leng tumaas ang tubig baha at naglagay na rin sila ng mga evacuation center.

Sa area naman ng Makati, nabatid na ang pamahalaang lokal nito ay naglagay na rin ng command post sa ground floor sa lobby ng main building ng Makati City Hall Building,  na  siyang mangangasiwa sa  koordinasyon ng Makati Command Control Communication,  Makati Disaster Risk Reduction Management Council (DRRMC) at pulisya, fire at rescue teams.

Samantala, maaga rin inanunsyo ni Manila Mayor­ Joseph Estrada na wala nang pasok sa lahat ng antas nga­yon (Martes) sa lahat ng pri­bado at pampublikong pa­aralan sa Maynila. Ito ay bunsod na rin ng inaasahang pagtama  ng bagyong Ruby.

Ayon kay Estrada, mas ma­buti nang masiguro ang  kaligtasan ng mga estudyante  kung saan mas tiyak ang kanilang kapakanan kasama ang kanilang mga pamilya.

 

AYON

BRGY

CITY MAYOR EDWIN OLIVAREZ

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

JOSEPH ESTRADA

SANTO NI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with