2 wanted, arestado
MANILA, Philippines - Kapwa arestado ang dalawang wanted sa batas sa Muntinlupa at Las Piñas City.
Sa report na natanggap ni Senior Supt. Noel Nobleza, nadakip ang akusadong si Arphy Barillos, ng Block 4, Lot 6, Planas Ville, Bargy. Tunasan, Muntinlupa City.
Nadakip ito sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Patricia Angeles C. Fidel, ng Muntinlupa City Metropolitan Court, Branch 80 dahil sa kasong malicious mischief at ni Judge Philip A. Aguinaldo, ng Muntinlupa City Regional Trial Court, Branch 207 dahil naman sa kasong slight physical injuries alas-2:45 ng hapon sa tinitirhan nito sa naturang lugar.
Samantala, kahapon alas-9:30 ng umaga ay nadakip naman ng mga kagawad ng Warrant and Subpoena Section ng Las Piñas City Police ang isa pang akusadong si Bejay Robledo, 31, ng Philam Village ng naturang lungsod.
Nadakip si Robledo sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Las Piñas City Regional Trial Court (RTC) dahil sa kaso nitong paglabag sa Republic Act 7610, Section 10 o pang-aabuso (Other Acts of Neglect, Abuse, Cruelty or Exploitation and Other Conditions Prejudicial to the Child’s Development).
Ang mga akusado ay nakakulong ngayon sa Muntinlupa at Las Piñas City Police detention cell. (Lordeth Bonilla)
- Latest