^

Metro

Bebot sugatan sa sunog

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang babae ang sugatan nang tangkaing apulain ang apoy sa nasusunog niyang bahay sa lungsod Quezon, kahapon ng madaling-araw.

Ayon sa ulat ng Quezon City Fire Station, ang biktima ay nakilalang si Jocelyn Tordesillos, residente sa Kapalaran St., Payatas Road, Brgy. Commonwealth sa lungsod.

Sabi ng Commonwealth Fire Station, bukod sa bahay ni Tordesillos, dalawa pang bahay ang nadamay sa nasabing sunog na sumiklab, ganap na ala-1 ng madaling-araw.

Ayon kay Supt. Jesus Fernandez, city fire marshal, bigla na lang umanong may lumabas na usok mula sa bahay ng biktima hanggang sa maglagablab ito. Pero tinangka anyang apulain ng biktima ang apoy kung kaya nalapnos ang kanyang dalawang mga kamay at masugatan.

Umabot sa ikalawang alarma ang nasabing sunog, bago tuluyang naapula ito, ganap na alas-2 ng madaling-araw.

Hinala ni Fernandez, electrical short circuit ang ugat ng nasabing sunog dahil marami anya silang nakitang mga mababang kawad ng kuryente sa lugar. Inaalam pa ang halaga­ ng pinsala sa nasabing sunog.

AYON

BRGY

COMMONWEALTH FIRE STATION

FERNANDEZ

JESUS FERNANDEZ

JOCELYN TORDESILLOS

KAPALARAN ST.

PAYATAS ROAD

QUEZON CITY FIRE STATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with