^

Metro

Lalaki ‘sinapian’, bulagta sa parak

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang 27 -anyos technician na sinasabing sinapian ng masamang espi­ritu at nag-amok makaraang mabaril ng rumespondeng pulis sa Sta. Cruz, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Jose Reyes Memorial Medical Center  ang biktimang si Ricky Buendia, pansamantalang nanunuluyan sa   Sta. Cruz, Maynila, sanhi ng tinamong tama ng  bala ng baril sa katawan.

Sa ulat ni SPO2 Jonathan Bautista ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-12:10 ng tanghali nang mabaril ni PO2 Noel Padua ng Alvarez Police Community Precinct si Buendia makaraang atakehin ang rumespon­deng si PO3 Byron Bayes.

Nabatid na alas-10:00 ng umaga nang makitang naghahasa ng kutsilyo ang biktima at kakaiba umano ang kilos at mata nito na nanlilisik.

Nagawa pang saksa­kin nito ang kapatid niyang si Ginrick, 32, na nakiusap sa kaniya na ibigay ang hawak na patalim.

Nagwala ang biktima at naghahanap ng makaka­laban hawak ang patalim hanggang sa tumawag na sa himpilan ng pulisya ang landlord na si Leopoldo Cesar, isang dating pulis.

Nang rumesponde ang mga tauhan ng PCP ay nag­hahamon at nagwawala ang biktima na inatake pa si PO3 Bayes ng patalim, kaya napilitang paputukan siya ni PO2 Padua.

Bago pa ito, matagal pang pinakiusapan ang biktima na tumigil na subalit nagawa pang ilabas ang ari nito at hiniwa sa harapan ng mga tao at iwinawasiwas ang patalim sa sinumang lalapit.

Sa impormasyon, ang biktima ay may tatlong araw pa lamang bumisita sa kapatid sa Maynila na galing  sa Cagayan province, kung saan ito umano nakulam o sinapian.

Natagalan ang imbestigasyon dahil sa maraming kumplikadong impormasyon.

vuukle comment

ALVAREZ POLICE COMMUNITY PRECINCT

BYRON BAYES

CRUZ

JONATHAN BAUTISTA

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

LEOPOLDO CESAR

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

NOEL PADUA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with