Brgy. tanod tinodas, itinapon sa dagat
MANILA, Philippines - Pinatay muna bago itinapon sa dagat ang isang barangay tanod na natagpuang palutang-lutang sa bahagi ng North harbor sa Maynila, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ang biktima na si Samuel Barnobal, ng Brgy. 105 at residente ng Sitio Damayan, Tondo, Nagtamo ito ng tama ng bala ng baril sa dibdib at kaliwang balikat.
Sa ulat ni SPO1 Mario Asilo ng MPD-Homicide Section, dakong alas- 3:00 ng hapon nang mamataang may lumulutang na katawan sa dagat na sakop ng Sitio Damayan, sa Brgy. 105.
Nang usisain ng mga residente, isang Edgar Morallos ang kumilala sa bangkay, na nagsabing bayaw niya ang biktima.
Huli umanong nakitang buhay ang biktima noong Nobyembre 29, 2014 alas-10:00 ng gabi habang naka-duty at naglalakad sa Aroma outpost.
- Latest