Maserati driver humihingi ng pang-unawa
MANILA, Philippines – Umapela ang sports car driver na nahuli sa video na sinasaktan ang traffic enforcer ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na huwag siyang husgahan.
Sinabi ng driver ng asul na Maserati Ghibli sports car na si Joseph Russel Ingco na lulutang siya sa legal na paraan.
"I hope that people will let due process take its course," pahayag ni Ingco na iniulat ni Rowena Salvacion ng GMA7.
Dagdag ni Ingco na naapektuhan na ang kanyang pamilya mula sa pambabatikos ng publiko sa kanya matapos niyang saktan ang traffic enforcer na si Jurve Adriatico.
"I am praying for the patience and understanding of everybody," dagdag niya.
Samantala, nag-alok si MMDA chairman Francis Tolentino ng P100,000 pabuya para sa magbibigay ng impormasyon kung nasaan si Ingco.
Sinabi ni Tolentino na nakatanggap sila ng impormasyon na nagtatago ang sports car driver sa Bulacan.
Tiniyak ng chairman na hindi mapapahamak si Ingco sa pagdulog niya sa kinauukulan.
"Nakakasiguro po siya na igagalang din ng kapulisan ang kanyang mga karapatan."
- Latest