8 sugatan sa sunog
MANILA, Philippines - Walong construction workers ang nasugatan matapos ma-suffocate sa kapal ng usok mula sa nasusunog na gusali kahapon ng umaga sa Bonifacio Global City (BGC), Taguig City.
Ayon kay P/Chief Inspector Honito Maslang, officer-in-charge Fire Marshall ng Taguig City Fire Station, inaalam pa ang pagkakakilanlan ng mga biktima na kaagad na isinugod sa pagamutan. Posibleng madagdagan pa ang bilang ng mga bitkima sa ginagawang 30-palapag na gusali ng DEISI Company, ang One World Place sa 32nd Street.
Nagsimula ang sunog bandang alas-9 ng umaga sa basement 3 ng stockroom ng gusali.??
Mula sa ikalawang alarma, tumaas sa ikatlong alarma ang sunog kung saan idineklarang fire-out bandang ala-una ng hapon.
- Latest