^

Metro

Pamaskong handog ni Joy B sa mga single mom ng QC

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Personal na tinanggap ng may 200 single mom mula kay Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte ang tig-P10,000 halaga ng mga panindang bigas at grocery items sa isang simpleng seremonya sa QC hall grounds kahapon.

Bunga ng proyektong ito na tinaguriang ‘Tindahan ni Ate Joy’ ay mayroon nang  400 single mom ang  nabiyayaan ng negosyong tindahan na tutulong sa  pag-angat ng kanilang kabuhayan.

“Alagaan n’yo lang ito at paghusayin ang paghawak ng ne­gosyong ito para lumago at makatulong sa inyong mga pamilya”, hiling ni Belmonte sa mga benepisyaryo ng naturang proyekto.

Iniulat din ni Belmonte na nagsagawa muna ng survey ang kanilang mga tauhan mula District 1 hanggang District 6 ng lungsod  at mula rito ay pinili ang mga karapat-dapat na maging benepisyaryo ng proyekto.

Hindi pa anya nagtatapos dito ang proyektong ito dahil patuloy ang tanggapan na maglalaan ng ganitong programa para sa mga single parent upang mabigyang pagkakataon silang  kumita sa pamamagitan ng pagkakaroon ng maliit na tindahan.

Taong 2013 nang simulan ni Belmonte ang proyektong ito at patuloy itong ipatutupad sa susunod na taon.

ALAGAAN

ATE JOY

BELMONTE

BUNGA

INIULAT

QUEZON CITY VICE MAYOR JOY BELMONTE

TAONG

TINDAHAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with