^

Metro

‘Task Force Phantom’, inilarga ng MMDA

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Upang mas lalong matu­tukan ang nalalapit na pagbisita ni Pope Francis sa bansa, inilunsad ng Metropolitan Manila Development Autho­rity (MMDA) ang binuo nilang ‘Task Force Phantom’.

Nabatid na ang ‘Task Force Phantom’ ay binubuo ng 15 traffic constables mula MMDA at 15 miyembro ng Highway Patrol Group ng Phi­lippine National Police (PNP) na inisyuhan ng mga bagong uniporme at motorsiklo.

Napag-alaman na ang mga miyembro ng task force ay suma­ilalim sa mahigit isang buwang matinding security at traffic management training at siyang­ magbibigay ng segu­ridad sa Pope.

Ang naturang grupo na ti­naguriang elite team ay siyang mag-e-escort sa Santo Papa at sa magiging delegasyon nito sa Leyte.

Bukod sa Papal visit, ang mga miyembro ng task force ay kabilang din sa security contingent sa iba pang malalaking events tulad ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) sa susunod na taon,  gayundin kapag  may mga VIP na bibisita sa bansa.

Bukod pa rito, magiging regular ding trabaho ng ‘Task Force Phantom’ ang panghu­huli sa mga kolorum na pampublikong sasakyan at simula kahapon ay ipinakalat na ang grupo sa bahagi ng EDSA.

ASIA-PACIFIC ECONOMIC COOPERATION

BUKOD

HIGHWAY PATROL GROUP

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHO

NATIONAL POLICE

POPE FRANCIS

SANTO PAPA

SHY

TASK FORCE PHANTOM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with