^

Metro

Shootout: 2 miyembro ng gun for hire, utas

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Utas ang dalawang pinaniniwalaang miyembro ng gun for hire at drug syndicate group matapos makipagbarilan sa mga pulis na tumutugis sa kanila kung saan nasamsam din sa mga ito ang humigit kumulang sa isang  kilong shabu, mga baril at  bala, kahapon ng umaga sa Las Piñas City.

Dead-on-arrival sa Las Piñas Doctors Hospital ang suspek na si Mandy Solaiman Abubakar, ng Samata Village, Barangay 5 ng naturang lungsod habang inaalam pa ang pagkakakilanlan sa isa pang kasabwat nito na hindi rin uma­bot ng buhay sa pa­ga­mutan.

Base sa report na isinumite ni Senior Supt. Adolfo Samala Jr., hepe ng Las Piñas City Police kay  Chief Supt. Henry Ranola Jr., Officer­-In-Charge (OIC) ng Southern Police District (SPD), naganap ang insi­dente alas-6:00 ng umaga sa Samata Village, Brgy. Talon 5 ng naturang lungsod.

Nagtungo ang pinagsanib na operatiba ng Intelligence Unit, Tactical Motorize Reaction­ Unit at SWAT Team ng Las Piñas City Police sa pamumuno ni Chief Ins­pector Marlo Solero upang arestuhin si Abubakar sa bisa ng isang warrant na inisyu ng Las Piñas City Regional Trial Court dahil sa umano’y patung-patong na kasong kinakaharap nito.

Subalit nang mamataan ni Abubakar at ng kasabwat nito  ang mga pulis na tumutugis sa kanila ay inunahan nilang paputukan ang naturang mga alagad ng batas.

Nagkaroon ng pagpapa­litan ng putok ang magkabilang panig hanggang sa bumulagta ang dalawa.

Narekober mula sa mga nasawing suspek ang humigit kumulang sa isang kilo ng  shabu, 2 pirasong kalibre .45 baril,  1  kalibre .38 revolver, 1 kalibre .22,  dalawang kalibre .9mm (pistol at Beretta), 1 improvised shot gun (sumpak), daan-daang mga bala, assorted drug paraphernalias at limang digital weighing scale.

Base sa rekord ng pulisya ang mga nasawing suspek ay pinaniniwalaang kilabot na miyembro  ng isang drug at gun for hire syndicate, na nagsasagawa ng illegal na operasyon sa ilang lugar sa Southern Metro Manila.

Sa ngayon ay patuloy pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya hinggil sa insidente.

ABUBAKAR

ADOLFO SAMALA JR.

CITY POLICE

LAS PI

SAMATA VILLAGE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with