^

Metro

Walang reshuffle, ‘one strike policy’ tuloy -- MPD chief

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Walang balasahan sa hanay ng mga Station Commander at Police Community Precint ng Manila Police District pero tuloy ang ‘one strike policy’.

Ito naman ang pahayag at babala ni Manila Police District Director, Sr. Supt. Rolando Nana sa kanyang mga tauhan kaugnay ng kanyang ginagawang  paglilinis ng kapulisan at mga  lugar sa Maynila.

Ayon kay Nana,  kailangan munang makita ng publiko na maayos at nasa tamang sistema ang naipatutupad sa mga pulis bago makuha ang respeto ng publiko. Patuloy namang ipinatutupad ang ‘one strike policy’ sakaling mahulihan ng sugal, at illegal drugs ang mga nasa­sakupang police stations.

Sinabi ni Nana nasimulan na niya ito ng kanyang matuk­lasan ang mga shabu, mari­juana at valium na nasa locker ng  mga pulis.

Nakarating umano sa kan­yang  tanggapan na ginagamit  ng mga pulis ng District Anti- Illegal Drugs (DAID) ang mga nakuhang drugs sa pangi­ngikil sa mga sibilyan.

Idinagdag pa ni Nana na  magkakaroon din sila ng  random drug test para sa lahat ng mga pulis.

Samantala sinabi naman ni Chief Insp. Glenn Gonzales, hepe ng DAID na magsasagawa sila ng seminar at refreshment course para sa mga bagong pulis na itinalaga sa DAID.

Ayon kay Gonzales maha­laga na sumailalim sa seminar ang 13 pulis na ipinalit sa mga nasibak upang malaman  ng mga ito ang tamang pro­seso sa  pagsita, pag-aresto at pagsasampa ng kaso laban sa sinumang suspek na hindi nalalabag ang  karapatan.

Kasama sa mga magsasa­gawa ng seminar ay ang Phi­lippine Drug Enforcement  Agency (PDEA), PNP-Anti-Ille­gal Drugs Special Operations Task Force gayundin ang mga prosecutors ng iba’t ibang korte. Isasama din sa seminar ang mga pulis ng Station Anti-Illegal Drugs.

vuukle comment

AYON

CHIEF INSP

DISTRICT ANTI

DRUG ENFORCEMENT

DRUGS SPECIAL OPERATIONS TASK FORCE

GLENN GONZALES

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with