^

Metro

15-anyos na estudyante, nakapuga sa kidnappers

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isa pang insidente ng pagdukot sa isang grade 9 student ng dalawang  lalaking nakamaskara at nakasakay sa isang puting UV Express sa Taguig City, ang naitala ng pulisya.

Ayon sa report na natanggap ni Chief Inspector Benito Basilio, hepe ng Criminal Investigation Division ng Taguig City Police, base  sa reklamo ng 15-anyos na biktima, estudyante sa isang public school, naganap ang insidente noong nakalipas na Martes, alas-3:00 ng hapon sa kahabaan ng General Luna St., Brgy. Ususan ng naturang lungsod.

Nabatid na naglalakad ang biktima sa naturang lugar­ nang biglang lumapit sa kanya­ ang dalawang lalaking nakamaskara o naka-bonnet at biglang tinakpan ang kanyang bibig ng panyo.

Nahilo umano ang biktima matapos na may malanghap sa itinakip na panyo. Ka­sunod nito ay isinakay umano ang biktima sa isang kulay puting UV Express, subalit hindi niya aniya natandaan ang plaka nito matapos na tuluyan na itong nawalan ng malay.

Paggising ng biktima ay nasa loob na siya ng van at narinig niya sa usapan ng mga suspek na ibebenta siya ng mga ito.

Sa takot ng biktima ay pilit niyang binuksan ang likod ng pintuan ng van hanggang sa nakatakas ito at dali-daling umuwi ng kanilang bahay at nagsumbong sa kanyang mga magulang na nagreklamo naman sa himpilan ng pulisya.

Patuloy pa ring iniimbestigahan ng pulisya ang in­sidente.

Matatandaan na sa Ma­kati, dinukot at hinalay din  ang isang  isang 21-anyos na  dalaga. Isa ring 14-anyos na nene ang isinakay din sa van at saka umano’y minolestiya rin.

AYON

BIKTIMA

BRGY

CHIEF INSPECTOR BENITO BASILIO

CRIMINAL INVESTIGATION DIVISION

GENERAL LUNA ST.

ISA

TAGUIG CITY

TAGUIG CITY POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with