^

Metro

Kelot dedo sa boga

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Utas ang isang lalaki habang kritikal naman ang isa nitong kapitbahay nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang lalaki sa tapat ng isang tindahan, kahapon ng madaling araw sa Navotas City. Agad na nasawi dahil sa iba’t- ibang tama ng bala sa katawan si Rogelio Prudente, alyas Toto Pana, 41, walang trabaho, ng Adelfa St., Brgy. Tanza, Navotas, habang isinugod naman sa pagamutan dahil sa tama ng bala sa likod ang 67-anyos na si Francisco Morallos, residente rin ng naturang lugar.  Sa ulat ng Navotas Police, naganap ang pamamaril sa tapat ng isang sari-sari store sa may Adelfa St., Brgy. Tanza, dakong alas-12:05 ng madaling araw.  Nabatid na nakatambay sa tapat ng tindahan ang biktima kasama ang isang barkada nang biglang sumulpot ang hindi nakilalang salarin at pagbabarilin si Prudente. Tiyempo namang bumibili ng alak ang matandang si Morallos na nadamay sa pamamaril ng salarin. Bigo ang pulisya na madakip ang gunman na mabilis na nakatakas matapos ang krimen. Hindi naman matukoy ng mga imbestigador ang motibo ng pamamaslang dahil sa walang nais lumantad upang maging saksi sa krimen.

vuukle comment

ADELFA ST.

BIGO

BRGY

FRANCISCO MORALLOS

MORALLOS

NAVOTAS CITY

NAVOTAS POLICE

ROGELIO PRUDENTE

TANZA

TOTO PANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with