^

Metro

Konsehal, pabor sa rehabilitasyon ng mga cultural heritage

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tahasang sinabi ni Manila 3rd District Councilor John Marvin “Yul Servo” Nieto na pabor siya sa restoration at rehabilitasyon ng mga historical structures sa  lungsod.

Sa panayam kay Nieto na Chairman ng Committee  on Arts and Culture, sinabi nito na maraming historical building at cultural heritage  sa Maynila na nanganga­ila­ngan ng pagsasaayos ng  city government.

Gayunman, nangangaila­ngan pa rin ng sapat na pondo ang  city government  upang maisakatuparan ito.

Nakapanghihinayang umanong gibain ang  structures na may historical values­ dahil maaari pa ring itong magamit sa pag-aaral.

Bagama’t hindi umano siya tutol sa pag-unlad  ka­ilangan pa ring  pag-aralan at suriin mabuti kung ang mga gusali ay dapat nang  gibain  o hindi.

Aniya, ang  lahat ng lungsod ay nangangailangan ng  pagbabago at pag-unlad  subalit kailangan pa rin na hindi masasakripisyo ang ba­hagi ng  kaysaysan.

Sakali umanong may pa­nganib ang mga condemned building at structure maaari itong suriin ng mga kinau­ukulan partikular ng city building official.

Ang paggiba sa mga cultural heritage ay ibabatay sa rekomendasyon ng mga eksperto.

Ilan sa mga historical struc­tures sa lungsod na ginigiba ang kinukuwestiyon ng ilang sector.

ANIYA

ARTS AND CULTURE

BAGAMA

DISTRICT COUNCILOR JOHN MARVIN

NIETO

SHY

YUL SERVO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with