^

Metro

2 paslit patay sa sumpak ng kapitbahay

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang dalawang paslit makaraang tamaan ng ligaw na bala buhat sa sumpak na pinaputok ng nagwawalang kapit­ bahay sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.

Nakilala ang mga nasawi na sina  John Rey Claraval, 8; at Timothy Joshua Ma­palad, 7, kapwa residente ng Pinagpala Extension, Area 4, Pinalagad, Brgy. Malinta ng nasabing lungsod.

Isa pang biktima na nagtamo ng daplis ng bala sa kanang kamay ay kinilalang  si Ronnie Montemayor, 28, residente rin ng naturang lugar, na isinugod naman sa Valenzuela City Medical Center.

Nadakip naman ang suspect na si John Carlo Ba­yagosa, 24.

Ayon kay Senior Supt. Rhoderick Armamento, hepe ng Valenzuela City Police, na­ganap ang insidente dakong ala-1 ng hapon sa na­turang lugar.  Nabatid na unang nagkasagutan sina Montemayor at ang suspek na si Bayagosa sa hindi mabatid na dahilan.

Umuwi ng bahay si Ba­yagosa at nang bumalik ay armado na ng isang sumpak. Nagawa namang makipagbuno ni Montemayor sa naturang armas ngunit naiputok pa rin ng suspek.

Tinamaan si Montemayor sa kanang kamay habang napuruhan naman ng shrapnel ng bala ang dalawang paslit na naglalaro sa naturang lugar. Agad na isinugod ng mga residente ang mga biktima sa pagamutan ngunit agad din namang nalagutan ng hininga.

Mabilis na humingi ng saklolo ang mga residente sa pulisya kaya mabilis na nakaresponde ang mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP) 4 at nadakip si Bayagosa.

Nahaharap ngayon sa dalawang bilang ng kasong homicide, frustrated murder at illegal possession of firearms and ammunitions ang suspek na si Bayagosa. 

 

BAYAGOSA

JOHN CARLO BA

JOHN REY CLARAVAL

MONTEMAYOR

PINAGPALA EXTENSION

POLICE COMMUNITY PRECINCT

RHODERICK ARMAMENTO

RONNIE MONTEMAYOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with