Tuition fee sa Caloocan City University, libre na sa 2015
MANILA, Philippines - Magiging libre na sa susunod na taong 2015 ang matrikula sa University of Caloocan City na bahagi umano ng mga reporma para sa edukasyon sa lungsod.
Ito ang tiniyak ni Caloocan City Mayor Oscar Malapitan kasabay ng opisyal na pagbubukas ng dalawang bagong tayong campuses ng UCC kamakalawa na inaasahang magdaragdag ng higit sa 5,000 mag-aaral buhat sa lungsod.
Kasalukuyang nasa P1,800 ang tuition fee kada semester sa UCC na tuluyang tatanggalin sa 2015 upang mas lalo umanong makinabang sa libreng edukasyon ang mga mahihirap na estudyante sa lungsod.
Ipinagmalaki naman ng alkalde ang dalawang bagong tayong gusali ng UCC sa Caloocan North campus-Camarin at Caloocan South Campus-Biglang Awa na kapwa nagkakahalaga lamang ng tig-P154 milyon.
Ang dalawang limang palapag na gusali ay kapwa may tig-52 silid-aralan, may smoke-detectors, CCTV cameras, Wi-fi, e-book library, elevators at top floor auditorium.
- Latest