^

Metro

‘Akyat bahay gang’ sumalakay

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Muli na namang sumalakay ang mga kawatan na miyembro ng ‘Akyat bahay gang’ matapos looban ang tahanan ng isang lady trader sa Pasig City, kahapon ng madaling araw.

Ang biktima na nagreklamo sa Station Investigation DetectiveManagement Branch (SIDMB) ng Pasig City Police ay nakilalang si Alma Villanueva, 38, ng Brgy. Kalawaan sa lungsod.

Sa reklamo ng ginang kay PO3 Rolando Anselmo ng SIDMB umalis siya ng kanilang bahay dakong alas-2:30 ng madaling araw  para pumunta sa Pasig City Market at sa kanyang pagbalik ay doon niya natuklasan na napasok ng mga kawatan ang kanyang tahanan dahil nagkalat ang kanyang mga kagamitan.

Tinangay ng mga suspek ang kanyang P350,000.00 cash na nakatago sa loob ng nakakandadong drawer na umano’y sinira at sapilitang binuksan.

Sa inisyal na imbestigasyon ay lumitaw na dumaan ang hindi pa kilalang kawatan sa bintana.

vuukle comment

AKYAT

ALMA VILLANUEVA

BRGY

KALAWAAN

MULI

PASIG CITY

PASIG CITY MARKET

PASIG CITY POLICE

ROLANDO ANSELMO

STATION INVESTIGATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with