^

Metro

Mag-utol na miyembro ng ‘Baklas Plaka gang’ huli

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Himas rehas nga­yon ang magkapatid na miyembro ng “Baklas Plaka gang” matapos na masakote ng otoridad sa aktong nago-operate ang mga ito sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Sa ulat ng Quezon City Police District Station 6, nakilala ang mga suspek na sina Paul Co­ralde, 32, tricycle driver ng Botocan Toda; at kapatid nitong si Rosalito, 22.

Nangyari ang insi­dente sa may harap ng isang bahay sa no. 15-A Mapagkumbaba St., Brgy. Sikatuna Village, ganap na alas 3:05 ng hapon.

Nagpapatrulya umano sina SPOI Alejandro  Danoog, PO2’s Glen Laron, Maximo  Parape, Jr.,  Jimmy Ordono at Christian Louie Barrido  ng PS6 sakay ng  mobile patrol QC-47 sa lugar nang maispatan nila ang isang lalaki na binabaklas ang plaka ng isang Mitsubihsi L-300 van na nakaparada sa nasabing lugar.

Habang papalapit ang mga pulis ay nakapuna ang suspek sanhi para biglang huminto ito saka sumakay sa isang tricycle (TZ-2146) na BOTODA 014 na nagsilbi nilang get away at humarurot papalayo.

Dahil dito, nagkaroon ng maikling habulan hanggang sa makorner ng awtoridad ang mga suspek hindi kalayuan sa lugar. Nang siyasatin ay narekober sa sasakyan ng magkapatid ang isang pares ng plaka na may numerong AAI-3816 na nakakabit sa L-300 van na pag-aari ng isang Jose Quinones Jr.

vuukle comment

A MAPAGKUMBABA ST.

BAKLAS PLAKA

BOTOCAN TODA

CHRISTIAN LOUIE BARRIDO

GLEN LARON

JIMMY ORDONO

JOSE QUINONES JR.

MITSUBIHSI L

PAUL CO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with