^

Metro

2 warehouse tupok sa sunog

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasa mahigit P1 milyon ang halaga ng mga appliances na naabo makaraang matupok ang dalawang warehouse sa Parañaque City, kahapon ng umaga. Sa report  ni Parañaque City Fire Marshall Supt. Manuel Manuel, alas-9:15 ng umaga nang magsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng warehouse ng Pampanga Block Builder sa Dama de Noche, panulukan ng Sampaguita Avenue, Brgy. United Parañaque Subd. 4. Nabatid kay Romy Sarmiento, may-ari ng Pampanga Block Builders­, kasalukuyan nasa loob siya ng opisina sa unang pa­lapag nang magliyab ang ikalawang palapag ng warehouse. 

Dahil sa mabilis na kumalat ang apoy ay nadamay ang katabing maliit na warehouse, ang Pemcor kung saan may mga nakaimbak na television at iba pang electronic appliances.

Naapula naman ang apoy nang rumesponde ang mga bumbero at  umabot lamang sa ikatlong alarma ang sunog na tu­magal ng dalawang oras. Bandang alas-12:05 kahapon ng tanghali nang ideklarang fire-out ang sunog at wala namang naiulat na nasawi o nasaktan sa insidente. Patuloy pa ring nagsasagawa ng mapping­ operation ang mga kagawad ng pamatay-sunog upang masigurong ligtas na ang nasabing  lugar. Faulty electrical wiring ang isa sa tinitingnan dahilan ng mga awtoridad at patuloy pa ring iniimbestigahan ang naturang insidente.

vuukle comment

CITY FIRE MARSHALL SUPT

MANUEL MANUEL

PAMPANGA BLOCK BUILDER

PAMPANGA BLOCK BUILDERS

ROMY SARMIENTO

SAMPAGUITA AVENUE

UNITED PARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with