^

Metro

Nagpasabog sa police station, todas sa shootout

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Todas ang isang notoryus na miyembro ng sindikato ng iligal na droga na sina­sabing naghagis ng granada sa Manila Police District Station 1 makaraang makipagpalitan ng putok ng baril sa pulisya sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Northern Police District Director, Chief Supt. Jonathan Miano ang nasawi na si Armando Castro, ng Brgy. North Bay Boulevard South.

Sa inisyal na ulat, nakatanggap ng impormasyon ang pulisya sa pagtatago ni Castro sa Navotas Fish Port buhat sa isang impormante. 

Armado ng warrant of arrests sa mga kasong illegal possession of firearms, illegal drugs at frustrated murder, sinalakay ng mga tauhan ng Navotas City Police ang naturang lugar pasado alas-6 ng gabi.

Sa halip na sumuko, nagpaputok umano ng baril ang suspek kaya gumanti ang mga pulis sanhi ng kamatayan nito.  Nagtamo ng mga tama ng bala ng baril sa katawan ang suspek na sanhi ng kanyang kamatayan.

Sa rekord ng pulisya, nabatid na si Castro ang pangunahing suspek sa paghahagis at pagpapasabog ng granada sa MPD Station 1 sa Tondo, Maynila. Pinakauna noong Abril 24, sumunod noong Oktubre 6 at pinakahuli noong Oktubre 14.

Nabatid rin na si Castro ay miyembro umano ng “Grupo ni Pater”, isang sindikato na sangkot sa distribusyon ng iligal na droga sa Navotas at Maynila.

ARMANDO CASTRO

CHIEF SUPT

JONATHAN MIANO

MANILA POLICE DISTRICT STATION

MAYNILA

NAVOTAS CITY

NAVOTAS CITY POLICE

NAVOTAS FISH PORT

NORTH BAY BOULEVARD SOUTH

NORTHERN POLICE DISTRICT DIRECTOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with