^

Metro

Nanaksak ng hinostage, patay sa parak

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nabaril at napatay ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang isang lalaki makaraang tagain at saksakin nito ang hinostage na kahera ng karinderya sa Pedro Gil, sa Ermita, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Dead-on-the-spot ang  nasawing suspek na inilarawan sa edad na  35-40, may taas na 5 talampakan, may tattoo na larawan ng pakpak at “Michael” sa kanang braso, nakasuot ng kulay itim na t-shirt na may logo ng Delta Sigma Fraternity.

Nilalapatan naman ng lunas sa Philippine General Hospital ang biktimang  si Joana Lacsamana, 21, cashier­ ng RJ Luncheonette at residente  ng Peñafrancia St., Paco, sanhi ng tinamong mga sugat sa ulo at braso.

Sa ulat ni  SPO1 Charles John Duran ng MPD-Homi­cide Section, dakong alas-10:30 ng gabi nang maganap ang pangho-hostage sa loob ng RJ Luncheonette na matatagpuan sa P. Gil St., panulukan ng Taft Ave

Sa salaysay ng cook na si Randy Canlas, nagulat siya nang walang sabi-sabing pumasok sa kanilang kusina ang suspek kaya sinundan niya ito upang sitahin subalit mabilis na dumampot ng kutsilyo at nang lalapitan na siya ay nagawa niya itong tadyakan saka siya tumakbo palabas ng karinderya.

Dahil dito ang kahera naman nila na si Joana ang hinarap ng suspek at hi­nostage. Sinubukan ng mga ru­mespondeng pulis na ka­usapin ang suspect subalit  tinaga at sinaksak pa rin nito ang hostage.

Sa puntong iyon  ay nagpasiya na ang pulisyang gawin ang hakbang upang mapigilan ang suspek subalit napuruhan ito nang pagbabarilin.

Ang bangkay ng suspek ay kasalukuyang nakalagak sa St. Rich Funeral habang inaalam pa kung ano ang dahilan sa pagwawala at pangho-hostage nito.

 

vuukle comment

CHARLES JOHN DURAN

DELTA SIGMA FRATERNITY

GIL ST.

JOANA LACSAMANA

MANILA POLICE DISTRICT

PEDRO GIL

PHILIPPINE GENERAL HOSPITAL

RANDY CANLAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with