^

Metro

Kuya patay sa sakal ng utol

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kulungan  ang binagsakan  ng isang 39-anyos na tricycle driver makaraang mapatay sa sakal ang nakatatandang kapatid matapos na ipagtanggol umano ang kanyang live-in partner, kamakalawa ng gabi sa Malabon City. Nahaharap ngayon sa kasong murder sa Malabon City Prosecutor’s Office si Domingo Morales, ng Brgy. Longos nang aminin ang ginawang pagpaslang sa kuya na si Nolito, 40.

Sa inisyal na ulat ng Malabon City Police,  naganap ang insidente dakong alas-11:43 ng gabi sa loob ng kanilang bahay.  Nabatid na nagkaroon ng komprontasyon ang magkapatid nang isumbong ng live-in partner ng suspek na si Catherine Morate, 34, ang ginawang pagtatago ng biktima sa bubungan ng tricycle na ipinapasada ni Domingo. Dito sinampal at tinadyakan umano ni Nolito si Catherine sa harapan ni Domingo na sinakluban ng galit at kinompronta ang kuya. Nauwi ang pagtatalo sa suntukan hanggang sa mapatay ni Domingo sa sakal ang kapatid. Naaresto naman si Domingo at ang kanyang live-in partner nang rumesponde ang mga tauhan ng Malabon City Police. Sasampahan si Morate ng kasong obstruction of justice nang pigilan ang mga pulis na makapasok sa bahay at magsinungaling na natutulog lamang umano ang biktima.

vuukle comment

BRGY

CATHERINE MORATE

DITO

DOMINGO

DOMINGO MORALES

KULUNGAN

MALABON CITY

MALABON CITY POLICE

MALABON CITY PROSECUTOR

NOLITO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with