^

Metro

Ex-con itinumba ng tandem

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang isang  ex-convict matapos itong pagbabarilin ng riding-in-tandem, kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Vincent Carriaga, 40, biyudo, ng Propetarios St., Cartimar ng naturang lungsod sanhi ng tinamong mga  tama ng bala ng kalibre .45 baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nagsasagawa pa ng follow-up operation ang pulisya hinggil sa insidente at inaalam pa ang pagkakakilanlan sa mga suspek.

Sa natanggap na report ni Senior Supt. Melchor Reyes, hepe ng Pasay City Police, naganap ang insidente alas-6:50 ng gabi sa north-bound lane, Service Road ng Roxas Boulevard ng naturang lungsod habang ang biktima ay nakatayo sa naturang lugar nang biglang sumulpot ang isang motorsiklo na hindi naplakahan lulan ang mga suspect. Isa rito  ang bumunot ng baril at pinaulanan ng bala si Carriaga na naging dahilan ng agaran nitong  kamatayan.

Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang mga suspek. Base sa nakalap na impormasyon ng Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB), Pasay City Police nabatid na ang nasawing biktima ay nakulong sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City dahil sa mga kaso nitong robbery at frustrated murder noong 2010.

Nakalaya lamang ang biktima dahil sa ibinigay na parole dito ng Department Of Justice (DOJ).

Inaalam ng pulisya kung may kinalaman sa mga naging kaso  at pagkakulong nito ang naganap na pamamaslang.

Sa ngayon ay patuloy na iniimbestigahan  ng pulisya ang naturang insidente.

DEPARTMENT OF JUSTICE

MELCHOR REYES

MUNTINLUPA CITY

NEW BILIBID PRISON

PASAY CITY

PASAY CITY POLICE

PROPETARIOS ST.

ROXAS BOULEVARD

SENIOR SUPT

SERVICE ROAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with