100 pamilya nasunugan sa QC
MANILA, Philippines – Hindi naging maganda ang pagbubukas ng linggo ng 100 pamilya sa lungsod ng Quezon matapos masunog ang kanilang tinitirahan ngayong Lunes ng umaga.
Umabot sa 60 bahay ang natupok bandang alas-7 ng umaga sa kalye ng Kapigilan sa Barangay Imelda.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon, nagsimula ang sunog sa bahay ng isang Mildred Sanchez na nakaiwan ng nakasinding kandila.
Tinatayang aabot sa P500,000 halaga ng ari-arian ang natupok.
Tumagal ang sunog ng halos dalawang oras bago naideklarang fire out ng mga bumbero bandang alas-9 ng umaga.
Wala namang nasawi o nasaktan sa insidente, maliban sa isang 53-anyos na lalaki na hinimatay matapos tumaas ang presyon.
- Latest