^

Metro

Lolo hinostage ang apo sa sementeryo

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kalaboso ang isang 56-anyos na lalaki makaraang i-hostage nito ang kanyang 12-anyos na babaeng  apo  sa loob ng Manila North Cemetery, sa Sta. Cruz, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Sa ulat ng Manila Police District-Station 3, dakong alas- 4:00 ng madaling-araw nang magulat ang mga nagti­tinda sa may main avenue ng MNC  dahil biglang nagsisisigaw ang suspek na si Adolfo Gonzales, alyas Jun na nagsabing may humahabol at nagtatangkang patayin siya.

Mabilis nitong tinungo ang stall ng kanyang kaanak  saka hinila at hinostage ang kanyang apo na  itinago sa pangalang Nene kaya nagkaroon nang tension sa paligid.

Hinila ng suspect ang bata saka tinutukan ng patalim. Agad namang rumesponde ang mga nakatalagang ta­uhan ng MPD  at pinalibutan ang suspek hanggang sa napayapa na ang suspek at  kusang binitawan ang apo.

Nabatid na ang suspek ay wala umanong tulog ng ilang araw kaya nagkaroon ng nervous breakdown.

Ilang sandali pa ay napayapa na ang lolo at binitiwan ang apo. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

ADOLFO GONZALES

CRUZ

HINILA

ILANG

KALABOSO

LUDY BERMUDO

MANILA NORTH CEMETERY

MANILA POLICE DISTRICT-STATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with