^

Metro

Suspek sa pagpatay sa mag-ama, arestado

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Arestado ang dalawang pangunahing suspek sa pagpatay sa mag-ama sa inilatag na magkahiwalay na ope­rasyon ng pulisya kama­kalawa sa Muntinlupa City.

Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Felix “Pidiong” Obalan ng Barangay Alabang; at Julius “Totoy Nike” Tulao ng Purok 4  Extension sa nabanggit na barangay.

Sa police report na isinumite kay P/Senior Supt. Allan Nobleza, hepe ng Muntinlupa City PNP, unang na­dakip si Obalan sa likuran ng mall, PNR Station sa Brgy. Alabang ng nabanggit na lungsod.

Si Obalan na miyembro ng Michael Mangando Group ay sinasabing bumaril at nakapatay sa mag-amang sina Edmundo at Anniecka Eunice­ Tan noong Huwebes ng hapon (Okt. 2, 2014) sa #96 Wawa Street, Purok 5 ng nabanggit na barangay.

 Samantala, sa bisa naman ng warrant of arrest na inisyu ng Muntinlupa City Regional Trial Court, nadakip  ang number 9 most wanted criminal sa Muntinlupa City na si  Tulao sa bahagi ng Purok 4 Ext. sa Brgy. Alabang.

Si Tulao ay isinangkot sa serye ng robbery-hold-up sa nasabing lungsod noong Setyembre 16, 2011.

Ayon kay P/Chief Supt. Henry Ranola Jr., hepe ng SPD, ang sunud-sunod na pagkakadakip sa mga wanted criminal ay bunga ng pinaigting na kampaya laban sa krimen.

ALABANG

ALLAN NOBLEZA

ANNIECKA EUNICE

BARANGAY ALABANG

BRGY

CHIEF SUPT

HENRY RANOLA JR.

MICHAEL MANGANDO GROUP

MUNTINLUPA CITY

PUROK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with