Mga sasakyan di-pwede sa sementeryo sa MM
MANILA, Philippines - Isinara na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang gate ng mga pangunahing sementeryo sa Metro Manila para hindi na makapasok ang mga pribadong sasakyan upang bigyan daan ang paggunita ng Undas ngayon.
Ayon sa MMDA, ang ilang sementeryo ay nagsara na ng kanilang gate simula kahapon at ang ilan naman ay ngayong araw, simula alas-4 ng madaling-araw.
Nabatid, na sa Maynila, simula ngayong araw ay sarado na ang Aurora Boulevard mula Dimasalang hanggang Rizal Avenue, Blumentritt mula A. Bonifacio hanggang P. Guevarra, Dimasalang mula Makiling hanggang Blumentritt, Retiro magmula Dimasalang hanggang Blumentritt Ext., P. Guevarra mula Cavite Street hanggang Pampanga Street, Leonor Rivera Avenue mula Cavite Street hanggang Aurora Boulevard, Maceda Street mula Makiling hanggang Dimasalang.
Magpapatupad din ng traffic re-routing sa ilang lugar ng Metro Manila, lalo na ang mga kalyeng patungo ng mga sementeryo.
Ang naturang hakbangin ay upang bigyan daan ang mga taong magtutungo sa mga sementeryo at hindi sila gaanong maabala sa pagsisikip ng daloy ng trapiko.
- Latest