^

Metro

SAID-SOTG binuhay sa QCPD

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinangunahan ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte at QCPD director, Senior Superintendent Joel  Pagdilao ang re-activation ng Station Anti-Illegal Drugs-Special Operations Task Group (SAID-SOTG) sa 12 police stations sa lungsod bilang bahagi ng pinalakas na kampanya laban sa ilegal na droga.

Si Vice Mayor Belmonte ay siya ding chairperson ng Quezon City Anti-Drug Abuse Advisory Council (QCDAAC).

Ang pagbuhay sa SAID-SOTG  ay isinagawa sa isang simpleng seremonya kahapon sa Camp Karingal.

Sinabi naman ni Pagdilao  na ang reactivation  ng  SAID-SOTG ay isinagawa bilang tugon na rin sa mga ginawang konsultasyon na pinangasiwaan ng QCDAAC at mga opisyal ng mga  barangay sa QC.

Ang SAID-SOTG ay inalis ng dating QCPD director Richard Albano.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Vice Mayor Belmonte na kakausapin niya ang private sector upang bigyan ng parangal at incentives ang mga outstanding SAID stations na magiging daan sa pagiging drug free ng lungsod.

Iniulat din niya na nakipagkasundo din siya sa private drug testing firm para ito ang gumawa ng pagda-drug test sa mga barangay officials para matiyak na hindi gumagamit ng illegal drugs ang mga tagapamahala ng mga barangay sa lungsod.  Kahapon din ay nagsagawa ng on-the-spot drug test ang may 100 SAID officers and members ng QCPD.

CAMP KARINGAL

DRUG ABUSE ADVISORY COUNCIL

DRUGS-SPECIAL OPERATIONS TASK GROUP

PAGDILAO

QUEZON CITY VICE MAYOR JOY BELMONTE

RICHARD ALBANO

SENIOR SUPERINTENDENT JOEL

SI VICE MAYOR BELMONTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with