Konsehal ng Maynila pabor sa citizens arrest
MANILA, Philippines - Pabor si Manila 4th District Councilor Anton Capistrano sa citizens arrest sakaling ipatupad ito sa lungsod ng Maynila.
Ayon kay Capistrano, ito naman ang pagkakataon ng publiko upang ipakita ang kanilang malasakit at pagtulong sa sinumang biktima ng krimen.
Aniya, malaking tulong ang citizens arrest upang mabigyan ng hustisya ang mga biktima ng iba’t ibang krimen.
Sa katunayan ay nagsisimula na silang magsagawa ng mga pagsasanay ng self defense ang mga tanod sa may 192 barangay bilang proteksiyon laban sa criminal.
Ito’y bukod pa sa pagkakaroon ng sapat na kagamitan ng mga tanod at mga CCTV sa barangay.
Nakikipag-ugnayan din sila sa Manila Police District upang mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga tanod dahil ito ang madalas na nagsasagawa ng paglilibot at monitoring sa kanilang mga nasasakupan.
Gayunman, sinabi ni Capistrano na kailangan ding may limitasyon sa pagpapatupad ng citizens arrest upang maiwasan ang pang-aabuso at paglabag sa human rights.
- Latest