^

Metro

Street sweeper, todas sa inutang na kanin at ulam

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang  street sweeper  sa Luneta Park matapos na saksakin ng tatlong beses ng  isang parking attendant kamakalawa ng  gabi sa  Ermita,  Maynila.

Dead on the spot ang  biktimang si Lorna Faedacan, 53, na nagtamo ng mga saksak sa katawan habang  kusang loob namang sumuko ang suspek na si  Eduardo delos Reyes Jr.,  alyas “Dayo” 40, tubong Western Samar.

Batay sa imbestigasyon ni SPO4 Milbert Balinggan , kay  Sr. Insp. Steve Casimiro, hepe ng MPD- Homicide Section, dakong 8:30 ng gabi nang maganap ang nasabing insidente sa harapan ng Manila Hotel, Phase 2 ng Rizal Park sa Ermita.

 Sinisingil umano ng suspek ang  biktima  sa inutang nitong ulam at kanin. Nagalit ang  biktima at pinagmumura ang suspek hanggang sa humantong sa mainitang  pagtatalo.

Dahil naka-inom ng alak ang suspek, nagdilim ang paningin nito at inundayan ng saksak ang biktima.

 

vuukle comment

ERMITA

HOMICIDE SECTION

LORNA FAEDACAN

LUNETA PARK

MANILA HOTEL

MILBERT BALINGGAN

REYES JR.

RIZAL PARK

SR. INSP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with