^

Metro

Mister itinumba sa harap ng bahay

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang 35-anyos na mister ang binaril ng  hindi pa nakikilalang lalaki sa San Juan City kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang biktima na si Bobby Cortez, residente ng Tuberias St., Brgy. San Perfecto, San Juan City na namatay noon din bunsod ng isang tama ng bala sa ulo.

Batay sa ulat ng Eastern Police District (EPD), naganap ang insidente dakong alas-3:00 ng madaling-araw sa harapan ng bahay ng biktima sa Tuberias St., San Juan City.

Nagpapahangin umano ang biktima nang lapitan ng hindi pa nakikilalang lalaki at saka malapitang binaril sa ulo. Matapos ang krimen ay mabilis tumakas ang salarin.

Nakarekober naman ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang basyo ng bala ng isang kalibre .45 baril sa lugar na pinangyarihan ng krimen.

Inaalam na ng mga awtoridad kung sino ang may kagagawan ng krimen at kung ano ang motibo sa pamamaslang. (Mer Layson)

 

vuukle comment

BATAY

BOBBY CORTEZ

BRGY

EASTERN POLICE DISTRICT

INAALAM

MER LAYSON

SAN JUAN CITY

SAN PERFECTO

SCENE OF THE CRIME OPERATIVES

TUBERIAS ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with