Bilang paghahanda sa undas: 500 MMDA enforcers, ikakalat sa Manila North Cemetery
MANILA, Philippines - Simula sa Huwebes (Oktubre 30, 2014) hindi na papayagang makapasok at pumarada sa Manila North Cemetery ang mga pribadong behikulo kung saan sabay na ikakalat sa paligid nito ang mahigit sa 500 enforcer ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kabilang dito ang mga tauhan ng Manila Police District (MPD) bilang paghahanda sa nalalapit na Undas.
Ayon sa report na natatanggap ng MMDA, ipatutupad ng pamunuan ng Manila North Cemetery ang hindi na pagpapapasok at pagparada ng mga sasakyan sa loob ng sementeryo.
Dahil dito, inaasahan na magsisimula na rin ang pagsisikip ng daloy ng trapiko dahil sa labas na magpaparadahan ng mga sasakyan ang mga maaagang magpupunta sa sementeryo.
Hindi lamang sa naturang sementeryo ang paghahanda kundi maging sa iba pang cemetery sa Metro Manila ay tututukan din ng mga enforcer ng MMDA. (Lordeth Bonilla)
- Latest