^

Metro

Inuman pinaulanan ng bala: 4 sugatan

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa ospital humantong ang apat na magkakaibigan nang paulanan ng bala ng riding in tandem na bigla na lamang sumulpot sa kasagsagan ng inuman sa pagdiriwang ng kaarawan ng isa sa biktima sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Pawang ginagamot sa Mary Johnston Hospital ang mga biktimang sina Catherine Jenorga, 20; Kurt Occidental, 20; Rodelio David, 20; at Alfonso Ortinez, 20.

Nakasuot umano ng bull cap at nakasuot ng jacket na itim ang mga suspek na sakay ng hindi naplakahang motorsiklo.

Sa ulat ni SPO3 Eric Delos Arcos ng Manila Police District-station 1, dakong ala-1:00 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa  panulukan ng Herbosa at Teresita Sts. Tondo kung saan idinaos ang inuman sa birthday ni Ortinez.

Nagulat na lamang ang magkakabarkada nang big­lang lumutang ang dalawang lalaki na magka-angkas sa motorsiklo at pagdaan sa ka­nilang harapan ay pinaputukan sila ng sunud-sunod ng back rider bago humarurot papatakas.

ALFONSO ORTINEZ

CATHERINE JENORGA

ERIC DELOS ARCOS

HERBOSA

KURT OCCIDENTAL

MANILA POLICE DISTRICT

MARY JOHNSTON HOSPITAL

RODELIO DAVID

TERESITA STS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with