^

Metro

Misis ni Enzo, tinangkang i-cover-up ang kaso

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ibinunyag ng ina ng pi­naslang na international ra­cing champion na si Ferdinand ‘Enzo’ Pastor na tinangka umano siyang pigilan ng  kanyang manugang na si Dahlia Pastor na ireport sa mga pulis ang naganap na pamamaril sa kanyang anak.

Ayon kay Remy Pastor, ang aksiyon  ni Dahlia ang naging kumpirmasyon  na may kinalaman ang huli sa  pagpatay sa kanyang anak.

“Sa mismong araw na namatay ang anak ko, sabi niya (ni Dalia), ‘No mom, don’t go, don’t go to the police. It’s just a random shooting, please.’ So halata mo na,”  ani  Remy.

Matatandaang  napaslang si Enzo  noong Hunyo 12 sa Quezon City  habang patungo sa Clark, Pampanga para sa isang  competition.

Ayon kay Remy binigyan na ng sapat na panahon ng  Department of Justice si Dahlia para sagutin ang  kasong parricide subalit  hindi pa rin ito sumipot sa  pre­liminary hearing. 

Tanging ang ama pa la­­mang ni Dahlia ang lumutang  sa DOJ  upang  igiit na walang kasalanan ang kanyang anak.

Paliwanag pa ni Remy na ang hindi pagpapakita ni  Dahlia ay indikasyon lamang na may kinalaman ito at guilty sa nangyari kay Enzo.

Naniniwala din si Tomas  Pastor ama ni Enzo na  mala­kas ang kanilang kaso laban kay Domingo ‘Sandy’ de Guzman na sinasabing mastermind sa kabila ng ka­­nilang pagsusumite ng counter affidavit.

Giit ni Tomas, nabigo si De Guzman na  sagutin ang ilang mga tanong tulad ng pagkakakilala sa umano’y gunman na si PO2 Edgar Angel at ang pagkakaroon umano nito ng illicit affair   kay Dahlia.

Samantala, hiniling naman ni De Guzman sa DOJ na ibasura ang kaso laban sa kanya matapos umanong magsumite ng kanyang extra-judicial si Angel, kung saan binawi nito ang kanyang naunang pahayag na nagsasangkot sa negos­yante.

AYON

DAHLIA PASTOR

DE GUZMAN

DEPARTMENT OF JUSTICE

EDGAR ANGEL

ENZO

REMY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with