^

Metro

Transport protest ikinasa ng PISTON sa Lunes

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ikinasa ng militant transport group na Pinagkaisang Sama­han ng mga tsuper at Operators Nationwide (PISTON) ang isang malawakang kilos protesta sa darating na Lunes (Oktubre 27).

Ayon kay Piston President George San Mateo, layunin ng protesta na maipakita ng mga tsuper at jeepney operators ang sentimiento at hinanakit sa pamahalaan hinggil sa hindi ka­tanggap-tanggap na hakbang ng DOTC- LTO at LTFRB na mga batas na nagiging ‘gatasan’ lamang umano ng mga traffic enforcers ng pamahalaan.

Hihilingin din nila ang pagsuspinde at pagpapawalangbisa sa sobrang mahal, hindi makatwiran at money making traffic signs at penalties na nasa ilalim ng Joint Administrative Order (JAO)  #2014-01 na inaprubahan ng naturang mga ahensiya.

Binigyang diin nito na hindi nila maituturing na makataru­ngan ang parusang ito sa mga driver at magiging gatasan lamang ang mga tsuper ng mga tiwaling traffic enforcers.

AYON

BINIGYANG

HIHILINGIN

IKINASA

JOINT ADMINISTRATIVE ORDER

OKTUBRE

OPERATORS NATIONWIDE

PINAGKAISANG SAMA

PISTON PRESIDENT GEORGE SAN MATEO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with