^

Metro

Kelot binurdahan ng saksak

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tadtad ng saksak ang bangkay ng isang lalaki na inihulog pa sa isang pampasaherong jeep ng tatlong hindi pa kilalang mga lalaki  sa Sta. Mesa, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan sa biktimang tinatayang nasa edad 25-27, may taas 5’3-5’5, nakasuot  ng itim na t-shirt at gray na shortpants. Nagtamo ito ng may 50 tama ng saksak sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Sa ulat ni SPO3 Glenzor Vallejo ng Manila Police District-Homicide Section, batay sa footage sa closed circuit television (CCTV) ng Brgy. 428 Zone 43, District 4, Sta. Mesa, Maynila, dakong alas-3:12 ng madaling-araw  nang  maganap ang insidente kung saan makikita ang isang pampasaherong jeep na mabagal ang pag-usad sa panulukan ng Alegria St., Sta. Mesa  at  ilang sandali pa ay inihulog mula sa jeep ng hindi bababa sa 3 lalaki.

Tiniyak naman ng MPD-Homicide Section na may mga detalye ang nasabing jeep na nahagip ng CCTV na siyang pakay ngayon sa follow-up operation upang matunton ang mga suspek. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

ALEGRIA ST.

BRGY

GLENZOR VALLEJO

HOMICIDE SECTION

LUDY BERMUDO

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

NAGTAMO

TADTAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with