^

Metro

Holdaper na ‘pulis’, gumagala

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagbabala ang Caloocan City Police sa publiko kaugnay ng gumagalang holdaper na nagpapakilalang pulis makaraang mabiktima ang isang negosyante, kamakalawa ng hapon.

Walang nagawa kundi magsampa ng reklamo sa presinto ang biktimang si Wilfredo Delos Santos, 56, residente ng Sta. Quiteria, Brgy. 163 ng naturang lungsod.

Sa ulat, sakay ng kanyang kotse ang biktima dakong alas-2:30 kamakalawa ng hapon sa may 7th Avenue malapit sa 6th Street, nang harangin ng isang motorsiklo lulan ang salarin.

Nagpakilala umano ang salarin na isang pulis at sinabing may traffic violation ang biktima.  Ngunit sa halip na lisensya at rehistro ang kunin, tinangay ng salarin ang beltbag ng biktima na may lamang P60, 000 cash at isang cellular phone.

Mabilis na sumibad palayo ang suspect kaya walang nagawa ang biktima kundi iulat na lamang sa pulisya ang insidente.

BIKTIMA

BRGY

CALOOCAN CITY POLICE

MABILIS

NAGBABALA

NAGPAKILALA

NGUNIT

QUITERIA

WALANG

WILFREDO DELOS SANTOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with